Dalubhasa sa Buhay

Ano nga ba ang mukukuha ko sa pagpapaka-dalubhasa sa isang pag-aaral na sa tingin ko’y makakatutulong sa’kin sa trabaho? Totoo nga namang sa pagpapaka-rasyunal ko ay di umano’y may magandang tulong ang pagkuha ng Master of Science in Psychology sa espesyalisasyong Industrial/Organizational Psychology. Noong una, ang desisyon ay napakaw superpisyal dahil lamang s dalawang pumapaibabaw na rason: una, para makalimutan ang mababaw na problema ng pakikipaghawalay sa dating karelasyon at para masabi sa kanya na may nasasabi ako, at sana’y magsisi siya; pangawala, para mas mapagaan ko ang pakiramdam ko sa pagkuha ng pang-dalubhasang kurso sa isa sa magagaling na pamantasan sa Pilipinas, at para lang masabing ang talino ko – defense mechanism kumbaga kasi yun yung mga panahong di ko Makita yung halaga ko sa sarili ko kasi pakiramdam ko wala na lahat. Hindi ito kwento ng nakaraan at pakikipaghiwalay ko. Ito’y kwento ng pagninilay-nilay sa totoong kahulugan ng buhay sa pakikisalamuha ng tao sa araw-araw, sa mga tao, at sa paggawa ng desisyon.

a_reflection_of_a_reflection_by_raun (1)

Saan nga ba ako patutungo mula sa puntong ito na malapit na akong makapagtapos ng pag-aaral. Matagal na akong mapagbahala sa buhay. Kumbaga, sa lenggwaheng sikolohiya, mataasa ang neuroticism level ko. Lagi akong ganito. Simula nung nagtapos ako sa kolehiyo, di ko inisip ang magbakasyon. Ang nasa isip ko’y magkatrabaho, magkapera, at mabuhay kasi takot akong malulon sa problemang di ko pinili, sa problemang di magkatrabaho, at sa problemang di mabuhay kasi di ko magawa ang gusto kong magawa dahil wala akong pera. Dahil sa takot nay un, kumilos ako. Di ko inisip na maglagay ng kahulugan sa ginagawa ko. Yun naman talaga ata ang na isip ng isang fresh graduate. O, baka ako lang yun. Pero, nagkatrabaho ako. Nakapagpatuloy. At ito ako ngayon, may narrating kahit pa paano kasi pumuli ako. Yung desisyon na pumatuloy ay totoong nakatulong.

Pero sa tagal na ng panahon, sa anim na taon ng pagtrabaho, lagi ko ng naiisip ang kahulugan ng buhay. Minsan, nadadala ako sa inggit sa mga narating ng ibang tao. Tinatanong ko sarili ko kung bakit sila may narating na, at ako, wala pa. Iniisip ko rin kung para saan ang pagpapakahirap ko sa pag-aaral para maitaguyod ko ang sarili ko sa pagtahak sa karir na sa tingin ko’y aasenso ako. Pakiramdam ko nga’y “late bloomer” ako sa maraming aspeto. Lahat ng mga naransan ng ibang tao dati, saka ko lang nararanasan kalaunan. Dala ito ng disposisyon ko sa buhay, sa personalidad ko, sa oportunidad na dumarating sa’kin, at sa pera na meron. Oo, pera ang nagpapatakbo ng lahat. Di man siya dapat gawing diyos, pero kung wala ito, walang mangyayari. Nasa tao nalang ang gawa at ang pagkaroon ng diskarte.

reflection-24

Bakit nga ba ako nagpapakahirap sa buhay kung sa loob ko, kaya ko namang makontento? Bakit nga ba tila lahat ay may pinupuntahan, sa karir man o pangarap sa buhay samantalang simple lang ang buhay? Sa pagpapayaman ba nasusukat ang halaga ng buhay? Sa popularidad? Sa pagiging tama sa lahat ng panahon? Sa pagiging dalubhasa? Sa pagiging maganda? Sa pagiging boss ng isang kumpanya? Sa pagkaroon ng pamilya?

O, siguro, baka puede sa pagiging malaking tulong sa ibang tao? Sa pagiging lider sa isang lugar, di pulitiko sa pagbigay serbisyo sa bayan? Siguro, sa paghahanap ng totoong halaga ng buhay sa paggawa ng mga nais: sa paginta, sa pagsulat, sa pagkukuha na litrato, sa pagsayawa, sa pagkanta, o sa pagtanghal sa entablado?

Ano nga ba ang buhay? Ano ng ba ang kahulugan nito? Sa postmodern na punto-vista, anong nga ba ang pakahulugan ng buhay sa tao? Minsan, mahirap ito hanapin sapagkat nabubuhay lahat na may repleksyon sa iba. Mahirap ito hanapin dahil maraming punto-vistang tinitignan. May mga kaibigan, magulang, guro, boss, katrabaho, o kahit di kakilala na nakausap lang ng ilang minuto  sa pag-aantay ng sasakyang pang-commute na nagsasabi ng iba’t-ibang kwento. Ang buhay ang kubuuan ng maraming kwento.

63

Mahirap hanapin ang halaga at kahulugan ng buhay. Ang tao, gumagawa ng desisyon ayon sa maari, posible, pakiramdam, at haka-haka. Sa katotohanan, ang buhay ay nasa isip at puso ng tao. Estado ng pag-iisip ang kahulugan ng buhay. Minsa’y sa isang tao, ang buhay ay maganda, sa isa nama’y walang magadang nangyayari. Ang buhay ay kabuuan ng karanansan, pag-iisip, at pagdesisyon. Hindi ito iisa. Walang prototype dahil ang bawat isa’y may kanya-kanyang kwento.

Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang ibig sabihin ng buhay, di lang ng buhay ko. Nasa estado pa ako ng isang malapit ng magtrenta kung saan lahat ng pagninilay-nilay ay nagawa na. Minsan, nakakapagod magtrabaho na pare-pareho lang ang nangyayari sa araw-araw. Pero minsan, maganda ring nagiisip ako, nagninilay-nilay sa mga bagay, naghahanap ng puedeng gawing kakaiba sa routine ko gaya ng pagkuha ng litrato o kaya pagsusulat.

Buhay nga naman. Nagawa pang gawing kumplikado dahil sa isip ng tao.

 

Photo Credit: [www.pivotpointministries.orgwww.photoguides.netphotography.tutsplus.com, Featured Photo: www.modny73.com]

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s